Gabbi Garcia Umaming Naiinsecure Sa Kanyang Hitsura Noon!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Inamin ng aktres na si Gabbi Garcia na may pagkakataong na-iinsecure siya dahil sa kanyang hitsura noon.

Ayon kay Gabbi Garcia sa part 2 ng guesting nila ng boyfriend na si Khalil Ramos sa podcast ni Nelson Canlos, hindi siya comfortable at confident sa kanyang hitsura hanggang sa kanyang high school.

“I really had that ugly duckling phase pero parang siguro kasi I was just really carefree when I was a kid. Malakas ‘yung self-esteem ko when I was a kid. So, parang I was like really comfortable with myself, but it wasn’t easy. When I was in grade school, I wasn’t that comfortable. May stage ako na parang, ‘Bakit ganu’n? Lahat ng kasabayan ko mag-VTR, lahat sila artista na? Hindi ba ako maganda for showbiz?'” pagbabahagi ni Gabbi.

Dagdag pa niya, “May ganu’ng phase ako, promise. When I was in grade school, ang chinita ko na ang morena ko na parang laging akong pale. Tapos hindi ako payat, hindi rin ako mataba parang somewhere in the middle na hindi ko maintindihan. Yung pinaka-insecure akong stage was in grade school."

Samantala ng mag-umpisa na umano siya sa showbiz ay unti-unti na siyang nagkakaroon ng self-confidence at natanggap ang kanyang pagiging morena. Nilinaw din ng aktres na hindi siya against sa mga taong nagnanais na ibahin ang kanilang kulay. Lalo na kung ito naman ang makakapagpasaya sa mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo