Vice Ganda Hindi Kasali Sa Christmas Station ID Ng ABS-CBN!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Inilabas na noong byernes ang inaabangang taunang Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Ngayong taong 2022, pinamagatang Tayo Ang Ligaya Sa Isa't-isa ang christmas station ID ng ABS-CBN kung saan tampok ang ilang mga sikat na Kapamilya Stars, sa pangunguna ng Creative Director of ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo.

Sa music video na ibinahagi sa Youtube, makikita ang mga Kapamilya Stars na nagbibigay boses sa nasabing kanta.

Present sa music video ang DonBelle, KathNiel, ang Darna stars na sina Jane De Leon, Joshua Garcia, at Janella Salvador.

Kabilang rin sa mga nagbibigay boses ng kanta ang mga sikat Andrea Brillantes, Anne Curtis, Kim Chiu, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Sharon Cuneta, Moira Dela Torre, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jolina Magdangal, Gary Valenciano, Zsaza Padilla at Martin Nieverra.

Naroroon din ang ilang mga hottest loveteam ngayon ng Kapamilya network ang FranSeth at KDLex. Bukod pa sa iba.

Ngunit isang malaking katanungan mula sa mga netizens kung bakit hindi nakasali sa christmas id ngayong taon si Vice Ganda. Nagmarka na sa ibang mga tagahanga na palagi itong present sa mga christmas id sa mga nagdaan na taon.

Samantala, may ilan namang mga tagasuporta ni Vice ang nagtanggol rito at sinabing missing in action ngayon si Meme Vice dahil sa napaka hectic ng schedule nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo