Barbie Imperial Dinidma Ang Reklamo Ni Debbie Garcia! Relax Lang Sa Beach!

Linggo, Nobyembre 13, 2022

/ by Lovely


Barbie Imperial all chill sa pagrerelax sa beach sa gitna ng kontribersiyang kinakaharap at reklamo ng kapwa aktres na si Debbie.

Matatandaang lumabas ang balita ng pananakit ni Barbie Imperial kay Debbie Garcia sa isang bar sa Quezon, City. Agad naman umanong nagpa-blotter at nagsampa ng reklamo si Debbie. Subalit, kailanman ay hindi nagbigay ng pahayag si Barbie Imperial hinggil sa isyu.

Ayon sa kay Ogie Diaz dating magkaibigan ang dalawa, sa katunayan ay magkasosyo pa ang dalawa sa negosyo. Nagkaroon lamang umano ng hidwaan sa pagitan nila ng patulan ni Debbie ang dalawang ex ni Barbie.

Agad naman itong pinabulaanan ni Debbie at sinabing wala silang romantic relationship ng ex ni Barbie na si Diego Loyzaga.

Samantala, usap-usapan ngayon ang isang larawang ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram account kung saan kitang-kita ang kanyang malaking ngiti. Tila relax na relax lamang si Barbie Imperial sa pagbabakasyon sa isang beach resort.

Mapaglarong komento ng isang netizen, "ngiti-ngiti lang yan pero nananapak yarn. charot."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo