Vice Ganda Emosyunal Na Binalikan Ang Samahan Ng Naunang Katrabaho Sa It's Showtime!

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


Naging emosyunal si Vice Ganda sa pasasalamat niya sa madlang pipol matapos itanghal na Grand Champion ng taunang 'Magpasikat' ang team ng anak-anakang si Ryan Bang kasama si Jhong Hilario sa kanilang noontime show na 'It’s Showtime'.

Para kay Vice Ganda ang dahilan ng pagkapanalo ni Ryan Bang ay dahil binalikan nito ang kanyang pagiging Koreano na unang minahal ng 'Madlang Pipol'.

Dahil dito binalikan rin ni Vice Ganda ang mga naunang kasamahan niya sa show, na siyang nagpasimula sa It's Showtime. Kagaya ng mga naunang direktor nito na sina Direk Bobet Vidanes, Direk Mel Feliciano, at Direk Boyet.

Pinasalamatan din niya ang kanyang mga naunang mga co-hosts na sina Billy Crawford, misis nitong si Coleen Garcia, Eruption, Kuya Kim Atienza, at iba pa. Pinasalamatan din ni Vice ang madalas na nakukuhang hurado sa show na si Joey Marquez.

Bagama't nasa ibang mga networks na ang mga ito at may kanya-kanyang shows nais niyang balikan na minsan ay nagmamahalan din sila dahil sa show bago pa man sila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

“Gusto kong balikan lahat ng masasayang alaala kasi masayang-masaya naman tayong lahat, mahal na mahal natin yung isa’t isa bago tayo hindi nagkaintindihan. Bago tayo nagkasakitan. Bago tayo nagalit sa isa’t isa, nagmahalan tayo,” saad ni Vice Ganda.

Sa huli, sinabi ni Vice Ganda na inaalay nila ang pagbibigay ng saya sa pamamagitan ng show, sa kanilang co-host na si Vhong Navarro na nasa kulungan at may kinakaharap na kaso.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo