Kuya Kim, Pinatulan Ang Bashers Na Nagsasabing Isa Siyang Plastik!

Linggo, Nobyembre 20, 2022

/ by Lovely


Sinagot ni Kuya Kim ang pasasalamat ng dating kasamahan host sa It's Showtime na si Vice Ganda sa pamamagitan ng isang social media post.

Ayon kay Kuya Kim, “You’re welcome, Vice. We have all moved on and God has put us in our special places we should be. All the best to all of you there on Showtime. God bless you all.”

Nilinaw din ni Kuya Kim ang isyung nagkaaway sila ng ibang mga host sa It's Showtime.

Ani Kuya Kim, “Di naman nasira. We are all family regardless of network or show.”

Sinagot din nito ang mga paratang sa kanya ng ilang mga bashers na isa siyang plastik. Maging ang ilang mga tagahanga ni Kuya Kim ay umalma rin sa paratang na ito ng bashers. Ayon sa kanila, kaya lamang nagtweet si Kuya Kim ay upang malaman ng tao na tinanggap niya ang pasasalamat ni Vice Ganda.

Dahil kung hindi niya iyon gagawin tiyak iisipin naman ng ilang mga netizens na dinidma lamang nito ang pasasalamat ni Vice in public. Sey na lamang ni Kuya Kim, na pabayaan na lamang ang mga nagsasabing plastik siya dahil baka likas na toxic lamang ito at may pinagdadaanan.

Subalit hindi pa rin tumigil ang basher, ipinunto naman nito na may DM naman. Agad namang bara ni Kuya Kim, “nag-dm po ba si Vice? Hingang malalim po galaw-galaw.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo