The Voice Kids Muling Nang Magbabalik Sa ABS-CBN!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Muling magbabalik ang inaabangang singing competition ng mga bulilit na The Voice Kids Philippines sa Kapamilya channel.

Nitong lunes, kinumpirma na ang muling pagbabalik nito para sa ikalimang season. Isang dekada na ang nakakalipas nang unang masilayan sa bansa ang franchise nito.

Inilabas na rin ang mga audition schedules para sa mga batang nasa anim hanggang labindalawang taong gulang.

Magsisimula ang audition sa Starmall SJDM Bulacan sa darating na November 6, susundan ito sa Starmall EDSA Shaw sa darating na November 26. Magpapatuloy ang talent hunting sa Vista Mall Dasmarinas sa Dis. 3, Vista Mall Bataan sa Dis. 4, Vista Mall Tanza sa Dis. 10 at Vista Mall Taguig sa Dis. 11, sa Disyembre.

Humihingi naman sila ng mga vaccination cards sa mga batang mag-aaudition. Samantala, hindi pa ipinalabas ng network kung sino-sino ang magiging coaches sa ika-limang season ng The Voice Kids Philippines.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo