Nilipat na ngayong araw ng Lunes, November 21 si Vhong Navarro sa Taguig City Jail.
Makikita sa binahaging video ng ABS-CBN News reporter na si Niko Baua sa Twitter ang paglabas ni Vhong sa NBI Detention Center.
Nauna ng inilabas ng abogado ni Vhong, na walang kinalaman sa isinampa nilang bail petition ang paglipat kay Vhong Navarro sa Taguig. Kundi alinsunod umano ito sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.
Samantala, tiniyak naman ng isa sa mga abogado ni Vhong Navarro na si Atty. Maggie Garduque na ligtas ang pasilidad ng Taguig City Jail bago ang paglipat sa aktor.
Matatandaang bagama't natapos na ang bail hearing sa korte sa bail petition ni Vhong Navarro, wala pa ring inilabas na desisyon ang korte kung pansamantala ba itong makakalaya kahit man lang sa pasko.
Just In: Actor Vhong Navarro being transferred from the NBI Detention Center to Taguig City Jail. pic.twitter.com/tZn1a4trs9
— Niko Baua (@Nikobaua) November 21, 2022
Vhong Bavarro, THE TRUTH WILL SET YOU FREE!. Pray, pray and pray!.. Si Binoy, si Mark Anthony NAKULONG DIN PERO NATAPOS DIN DI BA?... SO PATIENCE IS A VIRTUE!.. your request for BAIL WILL BE GRANTED TO YOU SOON BY THE COURT...
TumugonBurahinStay safe & take care Vhong...