Cristy Fermin May Hinala Sa Dahilan Ng LQ Nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan!

Lunes, Nobyembre 21, 2022

/ by Lovely


 Nagbigay ng opinyon si Manay Cristy Fermin hinggil sa inamin  ni Sharon Cuneta na LQ nila ng mister na si Kiko Pangilinan.

Pag-amin ni Sharon na nagkaroon sila ng mahabang LQ ng dating senador na umabot sa anim na buwan. Inakala pa umano niyang mauuwi sila sa hiwalayan at magiging single na siyang muli sa susunod na taon.

Ayon kay Cristy Fermin, wala siyang ibang maisip na dahilan kung bakit nagkaroon ng matinding away sina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta kundi ang pagpapakumbaba nito sa pamilya Sotto.

“Ako, ang naiisip ko dito, siguro isa sa mga naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan 'yung ginawang pagpapakumbaba ni Sharon Cuneta sa pamilya Sotto,” pahayag  ni Cristy Fermin.

“Maaaring nakadagdag 'yon sa hindi nila pagkakaintindihan. Hindi sumama si Sen. Kiko kay Sharon e. 'Yung paghihingi ng paumanhin ni Sharon sa pamilya Sotto lalo na sa kanyang Mama Helen, kay Sen. Tito at sa kanyang mga pinsan, 'yun 'yung nararamdaman ko na isa sa marami. Isa lang sa marami.”

Matatandaang parehong tumakbo sina Sen. Tito Sotto at Kiko Pangilinan pagka-bise presidente ng bansa nitong 2022 National Election ngunit parehong nabigong makuha ang pwesto.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo