Trailer Ng Pelikula Ni Nadine Lustre Na Deleter Inilabas Na!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Inilabas na ng Viva Films ang official trailer ng pelikula ni Nadine Lustre na pinamagatang Deleter.

Sa Instagram account ng Viva Films ibinahagi ang two minute clip na nagpapakita kay Nadine Lustre bilang si Lyra. Si Lyra ay nagtatrabaho bilang isang social media content moderator.

Ang clip ay na-cut matapos ang 17 seconds at may nakalagay na katagang, “This video has been deleted” hangang matapos ang clip.

Nauna nang ibinahagi ni Nadine Lustre na noon pa man ay nais na niyang gumawa ng psychological horror film. Noon pa man umano ay fan na siya sa mga ganitong genre. Kaya naman labis siyang nai-excite sa bagong film niya na 'Deleter'.

“I always wanted to do psychological horror films of which I’m a fan of. ‘Deleter’ is definitely the first and I’m really excited. I really enjoy it when a film has a backstory or merong malalim na kwento. I like films na after mo siyang panoorin, ilang days mo pa siya iisipin.”

Makakasama din ni Nadine sa pelikulang ito sina Mccoy de Leon at Louise delos Reyes. Ang Deleter ay isa ring entry sa nagbabalik na Metro Manila Film Festival.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo