Panganay Na Anak Nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo 18 Years Old Na!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang pagtungtong sa legal age ng kanilang panganay na si Yohan.

Sa kani-kanilang Instagram account ibinahagi nila ang masayang okasyon ng kanilang pamilya. Nagbigay naman ng mahabang mensahe si Juday para sa kanyang anak.

Nangangako din si Juday na naroroon lamang sila palagi ng kanilang buong pamilya para kay Yohan.

"18 years.. just like that, time does really fly fast my love… 24 years ago I started praying for a baby when I turn 26.. in the same year that I turned 26, God gave me you.. and how lucky I am to have you.. you taught me a lot.. and up until now mommy’s still learning.. we grew up together.. literally," caption ni Juday sa kanyang Instagram post.

Kalakip nito ang ilang growing up photos ni Yohan.

Nauna nang ibinahagi ni Juday sa kanyang panayam na malaki ang kanyang pasasalamat sa Panginoon at dumating sa kanyang buhay ang panganay. Ito umano ang katuparan sa kanyang ipinagdadasal noon, ang magkaroon ng babaeng anak at the age of 26.

Samantala, ibinahagi naman ni Ryan Agoncillo sa kanyang IG account ang ilang larawan ni Yohan bilang pagmamarka sa 18th birthday nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo