Pagiging 'Extra' Ni Maja Salvador Sa The Iron Heart Ipinaliwanag Na!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin online ang magiging appearace ni Maja Salvador sa inaabangang teleserye sa ABS-CBN na The Iron Heart.

Subalit base sa sinabing special participation lamang ang gagawin ni Maja sa nasabing series, mahihinuhang panandalian lamang ang kanyang role.

Sa naganap na media conference ng The Iron Heart nitong Sabado ipinaliwanag ng Marketing Executive ng Star Cinema na si Mico del Rosario ang magiging papel ni Maja Salvador sa teleserye. Sinagot din nito ang ilan sa mga katanungan hinggil sa 'special participation' ni Maja rito.

Ayon kay Mico del Rosario, naghahanap sila ng special actress para gumanap sa teleseryeng pagbibidahan ni Richard Gutierrez.

“It’s a special role. And we felt that for that special role, we need a special woman. We know that Maja is very busy, she has a lot of engagements and we’re so happy that she accepted that role,” paliwanag ni Del Rosario.

Samantala, nagpapasalamat naman si Richard Gutierrez na tinanggap ni Maja ang role at pumayag na magkaroon ng special participation sa kanyang teleserye.

“Very thankful siyempre kay Maja and sa team niya dahil ilang beses na ring nag-try kami mag-team up sa isang show. Finally natuloy kami sa 'The Iron Heart,'” pahayag ng aktor.

Huling napanood si Maja Salvador sa ABS-CBN sa teleseryeng The Killer Bride noong 2020 ilang buwan bago ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo