TikToker Na Si Otlum Na Huli Cam Na Kinuha Ang Cellphone! Si Owner Ang May Kasalanan!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Spotted at huli sa CCTV footage ang pagkuha ng Tiktoker na si Otlum o si Peejay Dela Cruz sa cellphone mula sa isang tindahan sa Manila.

Depensa ni Otlum, hindi niya ninakaw ang cellphone. Nakita lamang umano niya itong pakalat-kalat kaya kinuha niya at binenta. Sinisisi din niya ang may-ari ng shop dahil sa kapabayaan umano nito. Hindi din umano nito iniingatan ang mahahalagang gamit kagaya ng cellphone.

Ayon kay Peejay, hindi masama ang kanyang ginawa at malinis ang kanyang konsensya.

Pagpapalinawag nito, “Ang depinisyon ng magnanakaw ay papasok sa isang establisyimiento at walang abog-abog ay magbubuklat at kukuha ng mga bagay na nasa pribadong lugar. Pero ang nangyari po sa akin, ako po ay nasa labas ng tindahan, hindi po ako pumasok. Nakita ko lamang ang cellphone na ito sa ibabaw ng pasimano at ito po ay aking kinuha. Hindi po masama ang aking ginawa dahil ang akin pong konsensya ay clear.”

Ipinadidiinan pa ni Peejay na hindi masama ang kanyang ginagawa at hindi umano ito pagnanakaw. Ipinunto rin niya na wala siya criminal record at never pang nakulong.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo