Interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila, Puno Ng Kaplastikan?

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Umaani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens ang one-on-one interview ni Korina Sanchez sa dating kasamahan niyang news caster sa ABS-CBN na si Karen Davila.

Sa nasabing interview binigyang linaw ng dalawa ang matagal ng isyu sa pagitan nila. Mula pa man noon ay pinagkukumpara na ang dalawa lalo na nang sumakabilang bakod si Korina matapos ang pagpapasara sa ABS-CBN.

Ayon kay Karen, isang factor kung bakit sila pinagkukumpara ay dahil sa kanilang trabaho.

Pagpapaliwanag ni Karen, “Feeling ko, because workwise, parang it was such a competitive environment where we used to work. Parang they would always pit people against each other, perhaps. It would be, let’s say after Korina, nandiyan si Karen. Napakahirap din nu’n for any woman, ha. Kasi nga you feel minsan either may hinahabol ka or hinahabol ka.”

Samantala, ipinaliwanag naman ni Korina na napaka-busy niya kaya hindi sila nagkakausap at ang lagi lamang umano nitong nakaka-usap noon ay ang kanyang partner na si Ted Failon.

May mga netizens namang tila hindi kumbinsido sa kani-kanilang pahayag at sinabing napaka-plastic ng dalawa. Komento ng isang netizen, "Nagkalat ang orocan at tupperware. Totoo ba pinahubad mo ang blazer mo kay Karen ng sinuot sa ABS-CBN?"

Agad naman itong pinabulaanan ni Korina at sinabing na misinformed lamang ang netizen. Matatandaang may lumabas na isyu noon kung saan pinahubad umano ni Korina ang blazer na suot ni Karen dahil nagkataong magkapareho sila.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo