Snooky Isiniwalat Na Siya Sana Ang Gaganap Bilang Madam Claudia Sa Seryeng Pangako Sa'yo

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Inamin ng aktres na si Snooky na malaki ang pagsisisi niya nang pinakawalan niya ang ibinigay sa kanyang role ng ABS-CBN bilang si Madam Claudia sa teleseryeng Pangako Sa'yo.

Inamin din niya na labis pa rin siyang nanghihinayang sa kanyang sinayang na 'role of the lifetime'. Ayon sa kanya, kinailangan niyang bitawan ang nasabing role dahil sa kanyang personal na pinagdadaana nung panahong iyon.

Ang tinutukoy ni Snooky na teleserye ay ang Pangako Sa'yo na pinagbibidahan nina Kristine Reyes at Jericho Rosales noong taong 2000. Napunta naman kay Jean Garcia ang role at tumatak sa mga manonood ang role na ito ni Jean.

Isiniwalat din ni Snooky na nai-insecure din siya sa ibang mga artista lalong lalo na sa mga ilong nito. Subalit sa paglipas naman ng taon sinabi ni Snooky na unti-unti na rin niyang natanggap ang kanyang sarili.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo