Kasabay Ng Total Lunar Eclipse Ipapalabas Ang Blood Moon Scene Sa Seryeng Maria Clara at Ibarra!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Kasabay ng pinaka-aabangang Total Lunar Eclipse ngayong taon, ipapalabas din ng teleseryeng Maria Clara at Ibarra ang kanilang blood moon scene.

Masisilayan sa buong bansa ang pagpula ng buwan mula 6:12 ng gabi. Magtatagal ito sa loob ng isang oras.

Samantala, sa teleseryeng Maria Clarra at Ibarra, ang phenomena na ito ang pinakahihintay ni Barbie Forteza, bilang Klay na takdang oras sa pagbabalik niya sa totoong mundo.

Sa isang panayam, sinabi nilang hindi nila sinasadya ang pagkakasabay ng airing ng nasabing episode sa magaganap na total lunar eclipse na masisilayan mamayang gabi.

Matatandaang, naging trending sa social media ang pagganap ni Andrea Torres bilang Sisa sa nasabing teleserye. Umani ito ng samu't-saring papuri mula sa mga manonood.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo