MJ Lastimosa May Banat Sa Mga Bashers Na Sinabihan Siyang Retokada!

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely


Tila hindi nakapagtimpi ang  Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean Lastimosa sa komento ng isang netizen sa kanyang Facebook post.

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang pagkakahawig ni MJ Lastimosa sa Mexican delegate sa Miss Earth 2022 na si Indira Meneses.

Kasalukuyang ginaganap ang Miss Earth International pageant dito sa Pilipinas kaya naman nagkita ang dalawang beauty queens. Ibinahagi naman ito ni MJ sa kanyang Facebook account kung saan nagkomento ang isang netizen tungkol sa kanyang pagiging retokada.

“Parehas retokada?” mababasang komento ng netizen.

Agad naman itong sinagot ni MJ, “Yes, I can afford.”

Subalit, hindi pa rin nagpapigil ang basher at sinabing hindi naman niya sinabing hindi afford ni MJ ang pagpaparetoke. Kaya naman muli itong sinagot ni MJ kung bakit pa ito nagcomment kung ganoon. Ipinunto rin ni MJ na malapit nang mag2023 ngunit ang mindset ng commenter ay nasa sinauna pa rin.

Samantala sa kaparehong post ibinahagi ni MJ ang kanyang pinagdadaanang pambu-bully noong 2011.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo