Lolit Solis Pinuri Ang Press Launch Ng AllTV sa Kanilang Program at Stars, Very Energetic Ang Lahat!

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely


Pinuri ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram post ang press launching ng AllTV sa kanilang programa at mga stars.

Ilan sa mga stars na ni launch ay sina Ka Tunying, Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto.

“Sa sandaling panahon gusto ng All TV na maging maingay at pinag- uusapan ang kanilang istasyon na madali naman mangyayari dahil they have all the means para gawin ito,” saad pa ni Manay Lolit Solis.

Napansin din umano ni Manay Lolit Solis na energetic ang lahat sa nasabing event.

"Talagang all out ang All TV sa kanilang press launching ng mga stars at program nila, Salve. Dalawang araw na sunod, una si Ka Tunying Taberna, ngayon naman sila Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez, at Ciara Sotto. Sa sandaling panahon gusto ng All TV na maging maingay at pinag- uusapan ang kanilang istasyon na madali naman mangyayari dahil they have all the means para gawin ito. Energetic lahat ng tao nila, maganda ang treatment sa showbiz press kaya naman masaya ngayon ang mga showbiz writer. Bongga."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo