Maxine Magalona Umalis Na Sa Bahay Nila Ni Rob Mananquil!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Ready nang harapin ni Maxene Magalona ang kanyang pagiging single muli.

Sa kanyang Instagram account, masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga tagahanga na umalis na siya sa bahay nila ng dating asawang si Rob Mananquil at nakahanap na ng bagong titirhan.

Nagpasalamat din ang aktres sa taong tumulong sa kanya sa kanyang paglilipat bahay.

Nagbigay din ng payo si Maxene Magalona sa kanyang mga followers at netizens sa social hinggil sa pagmomove-on.

"Move on, move out and move forward. When something “negative” is happening in your life, approach the situation with love and kindness. God is with you every step of the way 🥰

To my fellow single ladies and gents out there, let’s get moving!"

Samantala sa isa pang social media post, pinayuhan ni Maxene ang mga taong natatakot na ipakita sa iba ang totoong nararamdaman. Ayon kay Maxene, dapat maging makasarili sa pagpoprotekta ng sariling peace of mind.

“Start showing up for yourself. Be selfish at protecting your peace. Set boundaries. Be private. Say no when you need to. Stay true. Evolve unapologetically. Refuse to accept negativity. Don’t try to match energy. Vibe with yourself. Smile often for no reason. Trust the process."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo