Macky Mathay Humihiling Na Bumalik Ang Kanyang 'Sunshine'!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Naging mainit na usapin sa social media ang balitang hiwalay na ang magkarelasyon na sina Sunshine Cruz at Macky Mathay. Nag-ugat ang lahat ng mapansin ng kanilang mga tagahanga na hindi na sila naka-follow sa isa't-isa. Sunod-sunod rin ang naging pagbabahagi ni Sunshine ng mga cryptic posts, tungkol sa kanyang mga realizations sa buhay.

Samantala, muling uminit ang usapin ng mapansin ng ilang mga marites na sunod-sunod ang pagbabahagi ni Macky Mathay sa kanyang social media tungkol sa nawawala niyang 'sunshine'.

Unang ibinahagi ni Macky ang isang larawan kuha sa isang beach, caption ni Macky sa kanyang photo, "I’ll always love the sand, sea and sunshine!"

Kahapon naman, November 2 muling nag-upload ng photo si Macky na kuha pa rin sa beach. Ayon kay Macky kung pwedeng abutin niya ang langit upang muling makuha ang kanyang 'sunshine' ay ginawa na niya.

Tila hindi pa rin nalilimutan ni Macky si Sunshine Cruz at tila totoo ang tsismis na naghiwalay na silang dalawa. Sa kabila nito, base sa kanyang mga post tila nangungulila pa rin ito kay Sunshine at nagnanais na muling balikan nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo