Cong TV at Viy Cortez Engaged Na Sa Wakas!

Huwebes, Nobyembre 3, 2022

/ by Lovely


Ikakasal na sa wakas ang vlogger-Youtuber na si Cong TV at business woman-influencer na si Viy Cortez matapos ang pitong taong pagsasama bilang partners.

Naganap ang wedding proposal ni Cong TV noong October 27 sa reception ng biyag ng kanilang anak na si Baby Kidlat. Idinetalye naman ni Cong TV ang kanyang mga paghahanda para sa kanyang proposal sa isang vlog ni inupload niya nitong huwebes, November 3, 2022.

Habang masayang kumakain ang lahat, bigla na lamang nagpalaro ang si Boss Keng, isang myembro ng Team Payaman. Ang kanyang palaro ay bawal tumawa, isa rin sa mechanics ng laro na dapat ay ilabas ang mga cellphone ng bisita na at ilagay sa video mode ang front camera. Ang premyong mapapanalunan ay 50,000 pesos.

Nang sinabi ni Keng ang katagang 'tira' bigla na lamang lumabas si Cong TV na may dalang mic at lumapit kay Viy.

Tinanong nito ang partner ng, “Love, will you marry me?”

“Nagtatanong ka sa akin nung nakaraan kung ano yung regalo na gusto ko sabi ko sa’yo wala. Pero sa totoo lang ito talaga yung nasa isip ko matagal na panahon na. Naghahanap lang ako ng tiyempo, iniisip ko kung paano pero sabi ko bahala na. Kaya ngayon pinapunta ko sina tito at tita [mga magulang ni Viy] ito yung pinaka magandang regalong ibibigay mo sa akin ngayong birthday ko. Love, uulitin ko yung tanong. Will you marry me?” dagdag pa niya.

Hindi naman pinatagal ni Viy at agad na sinagot ng isang matamis na 'yes'. Pabiro pang dagdag ni Viy, "worth the wait bro."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo