Cristy Fermin Pinuna Ang Pangangatawan Ngayon Ni Vhong Navarro! Napakapayat.

Martes, Nobyembre 22, 2022

/ by Lovely



Muling naging bahagi ng paksa sa usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio ang aktor host na si Vhong Navarro. Matapos itong ilipat sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center.

Nagbigay ng prangkang pahayag sina Cristy Fermin sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute hinggil sa pisikal na katayuan ng aktor.

Napansin kasi ni Romel Chika na bagsak ang balikat nito at nangangayat ang katawan.

Dagdag pa ni Manay Cristy, “Napakapayat. Pumayat at saka ano talaga, nakakalungkot. Hindi naman siya siguro maaaring masaktan doon sa Taguig City jail dahil ayon nga sa mga nakausap naman ng kanyang mga abogado ay mahigpit doon lalo na ang warden, mahigpit talaga.”

Samantala, nanawagan na lamang si Cristy Fermin na ipagdasal na lamang ng kanyang mga tagasuporta si Vhong Navarro. Ipagdasal na lamang din umano na aprubahan ng korte ang pagpapapyansa kay Vhong Navarro.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo