Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach Naiyak Nang Makarating Sa Finish Line Sa Sinalihang Marathon!

Martes, Nobyembre 8, 2022

/ by Lovely


Emosyunal na ibinahagi ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na sa wakas ay natupad na ang isa pa niyang pangarap, ang makasali sa isang marathon sa New York City.

Ibinahagi ni Pia sa kanyang Instagram account ang mga kaganapan sa kanyang sinalihang marathon sa New York City nitong November 7.

Makikitang emosyunal ang beauty queen sa kanyang mga kuhang larawan mula  sa kaganapan ng sinalihang event. Proud din niyang ibinandera ang nakuhang medalya mula rito na ayon sa kanya ay sumisimbolo kung gaano ka importante sa kanya ang mga pangako.

 "I did it! We did it!" pagmamalaking caption ni Pia sa kanyang Instagram post.

Sinabi rin niya rito na hindi lang basta experience para sa kanya ang pagsali rito kundi isang life lesson.

"The NYC Marathon wasn’t a race, it was an experience. A life lesson. Probably the best run of my life. I saw and felt so much. I AM SO HAPPY 🥹 and grateful, inspired, humbled, and emotional…lahat na!"

Inanyayahan din ni Pia na manood sa kanyang reel kung saan makikita ang kanyang journey sa pagsali sa marathon mula training hanggang sa finish line.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo