Herlene Budol, Humiling Na Sana'y Makapasok Man Lang Sa Semi-Finals!

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Lovely


 Tuloy na tuloy na ang pagrampa ni Herlene Nicole Budol sa Uganda para sa kanya unang international pageant ang Miss Planet International 2022.

Ang kanyang pagsali sa nasabing patimpalak ay suportado ng Bb. Pilipinas Organization. Sa katunayan, boung pagmamalaking ibinahagi ng Bb. Pilipinas Organization na papunta na si Herlene sa Uganda upang sungkitin ang korona ng Miss Planet.

Ayon sa caption ng ibinahaging post ng Bb. Pilipinas sa kanilang Facebook account, "Goodbye for now as Herlene gets ready to say hello to Uganda. Miss Planet International here she comes!"

Marami naman ang kaagad humiling ng goodluck para kay Herlene Budol sa nalalapit na kompetisyon. Samantala nagbahagi rin si Herlene na nasa 80 kandidata mula sa iba'-ibang bansa ang nagnanais na makasungkit ng korona.

Hiling naman ni Herlene na kahit man lang sa semi finals ay makapasok siya at hindi lamang sa dressing room.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo