It's Showtime Host Nag-alay Ng Kanta Para Kay Vhong Navarro 'Laban'

Huwebes, Nobyembre 17, 2022

/ by Lovely


Emosyunal ang buong It's Showtime family sa kantang ginawa ni Teddy Corpus na pinamagatang 'Laban'.

Ayon kay Kim Chiu, ang kantang 'Laban' na gawa ni Teddy Corpus ay para sa isang taong nami-miss na nilang lahat.

Lahat naman sa mga co-host ni Kim sa It's Showtime ay maluha-luha matapos itong sabihin ni Kim. Samantala, ibinahagi naman ni Vice Ganda na nabasa umano ng kanilang pinag-alayan ng kanta na nakarating ang kanilang mga mensahe at natutuwa umano ito, kahit papano.

Hindi man nila sinabi kung sino ang kanilang inalayan ng kanta, ramdam na ramdam ng mga madlang pipol na si Vhong Navarro ito. Kasalukuyan pa ring nakakulong si Vhong Navarro at hindi pa lumabas ang desisyon ng korte hinggil sa bail petition na hinain nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo