Barbie Imperial Makukulong Dahil Sa Pangangalmot Kay Debbie Garcia!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Tila nagsampa na ng kaso ang Vivamax sexy actress na si Debbi Garcia laban sa actress na si Barbie Imperial. Nauna nang naiulat ang umanong panunugod at pangangalmot ni Barbie kay Debbie.

Naging mainit na usapin sa social media ang panunugod ni Barbie Imperial kay Debbie Garcia sa isang bar. Kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ni Debbie na puno ng kalmot ni Barbie.

Samantala, usap-usapan ngayon sa social media na tuluyan ng nagsampa ng kaso si Debbie dahil sa pananakit sa kanya ni Barbie. Ayon sa mga ulat, nagpaalam lamang si Debbie na umalis ng biglang sinabihan siya ni Barbie na umuwi.

Hinawakan din umano ito ni Barbie sa braso ng mahigpit. Kalaunan ay nagkagulo na ang dalawa. Ang tinutukoy na dahilan ay ang pakikipagdate ngayon ni Debbie sa ex boyfriend ni Barbie Imperial na si Diego Loyzaga.

Viral din ngayon sa social media ang isa pang CCTV footage na kuha matapos ang panunugod ni Barbie. Sa video makikitang tila walang nangyari at pasilip silip pang sumasayaw si Barbie sa kinaroroonan ni Debbie habang umiinom.

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na sinugod ni Barbie si Debbie Garcia dahil kay Diego.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo