Naging mainit na usapin sa social media ang pag-alma ni Donnalyn Bartolome sa kamakailang post ni Xian Gaza tungkol sa mga babaeng nasa VIP table ng isang bar.
Ipinunto kasi ni Donna na huwag lahatin ni Xian ang mga babae dahil may mga babae naman kayang magbayad ng VIP table. Sa katunayan kaya umano niyang bayaran ang bill ni Xian sa kahit saang club.
Hinamon naman ni Xian Gaza si Donnalyn at ipina-reimburse rito ang binayaran niya sa bar na umabot sa 195 thousand in Philippine peso.
Subalit, tila hindi umaatras sa laban si Donnalyn at hiningi niya ang account number ni Xian nang mai-wire niya ang pera.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!