Ara Mina Minulto Sa Set ng Pelikulang Katok!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng aktres na si Ara Mina na may nakakakilabot siyang karanasan habang nasa set sa pelikulang Katok. Ito umano ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganitong kilabot sa dinami raming horror films na nagawa niya noon pa man.

Sa naganap na presscon ikinuwento ni Ara Mina ang kanyang creepy experience habang nasa shooting ng pelikula.

Ayon kay Ara Mina, minsan bumagsak ang isang frame gayung naka-steady lang naman ito at walang ibang gumalaw. Hindi lamang iyon, may isang eksena na nanayo ang balahibo niya habang nasa loob ng isang kabinet.

“Creepy kasi it’s an old house tapos ‘yung cabinet na ‘yun, parang ano pala iyon, parang panic room. Cabinet ang hitsura niya pero kapag pumasok ka ano pala iyon, stair pala iyon na pakisame, paakyat. Iyon ‘yung  parang panic room noong old house na iyon,” pagbabalik tanaw niya.

Ayon pa kay Ara Mina, habang nasa loob siya ng kabinet sobra siyang nilamig at nanayo ang balahibo niya. Nakaramdam umano siya ng takot sa loob gayung hindi naman siya claustrophibic. Kaya naman kahit hindi pa oras ng kanyang paglabas ay lumabas na siya at minadali ang eksena.

Samantala, inamin ng Director ng pelikula na si Direc Joven na sinadya niyang hindi sabihin kay Ara Mina kung ano ang nasa loob ng kabinet upang makuhanan ng raw ang reaksyon ng actress. Tila nagtagumpay naman ang director dahil kuhang-kuha ang takot sa mukha ni Ara Mina.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo