Annabelle Rama, Sumusumpang Hindi Magpaparetoke Para Bumata Ang Hitsura! Tak0t Sa Injection!

Martes, Nobyembre 1, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang bagong look ng ina nina Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama.

Makikita sa mga larawan at video ng birthday celebration ni Annabelle ang pagbabago ng kulay ng buhok nito. Makikita rin na tila bumata ang takent manager. May mga kumakalat na videos kung saan tila ipinipunto na nagpagawa ng mukha si Annabelle.

Nang makarating kay Annabelle ang mga bali-balitang ito. Agad siyang nagbigay ng pahayag sa pamamagitan ng kanyang Instagram at Facebook accounnts. Mariin niyang itinatanggi na nagparetoke siya kaya nagmumukha siyang bata ngayon.

Ipinagdidiinan ni Annabelle na never siyang sumailalim sa pagpaparetoke simula pa noong kabataan niya. Aniya, what you see is what you get. Inamin din niya na takot siya sa mga operation at injection kaya never siyang nagpagawa.

Samantala nagpapasalamat si Annabell kay Dr. Aivee at sa bagong machine ng clinic nito na naging dahilan ng kanyang younger look. Nagpapasalamat din umano siya sa lahat ng nagkomento postive or negative dahil nag-eenjoy umano siya sa pagbabasa nito.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo