Toni Fowler Ibinulgar Na Kailanman Ay Hindi Naging Maluho! Unang Sahod Sa Youtube Ibinunyag!

Lunes, Oktubre 31, 2022

/ by Lovely


Isa si Toni Fowler aka Mommy Oni sa mga sikat na Youtuber sa bansa. Kasalukuyang nasa 11 million ang kanyang mga subscriber sa Youtube.

Sa naging panayam ng sikat na broadcaster ng ABS-CBN na si Karen Davila kay Mommy Oni. Sinabi nitong kailanman ay hindi siya naging maluho sa kabila ng kakayanan niyang bumili ng mga mamahalin.

Ipinakita pa nito ang kanyang walk in closet at buong pagmamalaking sinabi na hindi siya maluho. Ayaw umano niyang nangongolekta ng mga branded at mamahaling gamit. Hindi rin siya gumagastos ng gumagastos dahil hindi umano niya alam hanggang kailan siya kikita ng malaki.

"Hindi naman natin alam kung hanggang kailan tayo kikita ng malaki kaya dapat hindi tayo magastos.”

Samantala, ibinahagi rin ni Toni Fowler na ang unang sahod niya mula sa Youtube ay umabot sa 800,000 pesos. Hindi umano niya inakala na ganoon kalaki ang una niyang sahod. Noong una'y tambakan lamang ng kanyang mga videos ang Youtube hanggang sa may nakapagturo na maaari siya kumita gamit ang app na iyon.

Hanggang sa naaaliw na lamang rin siya na gumawa ng content.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo