Sam Milby Umamin Na Iniiwasan Ang Pag-Flex Ng Buhay Sa Social Media!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Aminado ang aktor na si Sam Milby na iniiwasan niyang ibahagi ang kanyang pribadong buhay sa social media.

Bagama't umiiwas si Sam sa mga intriga nilinaw niya na hindi naman niya ipinagdadamot ang kanyang girlfriend na si Catriona Gray. Talagang umiiwas lamang umano siya dahil maraming toxic na mga tao ngayon na naglipana sa social media.

Ayon kay Sam Milby, "Ang problema sa social media, it’s so toxic also. We live in a society where we love to judge, we love to hide behind some profile. Maybe even if you know it’s a troll."

Nababahala rin umano ang aktor sa mga mentalidad ng kabataan ngayon na nae-expose sa social media at internet. Napaka dependent na umano nito sa kung pano magustuhan ng iba ang kanilang image at takot na mabash at may magkomento ng kung ano-ano.

Aminado naman umano siya na may magagandang maidudulot ang social media ngunit ayaw niyang makasalamuha ng mga toxic na tao lalo na ang mga taong ang mga mali lamang ang tinitingnan.

Ngunit ang pangunahing rason kung bakot hindi siya masyadong nagbibigay ng update sa kanyang social media lalo na tungkol sa relasyon nila ni Catriona ay nais nilang manatiling pribado hangga't sa maari ang kanilang relasyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo