Ang Totoong Dahilan Ng Pagpa-Public Apology Ni Sarah Geronimo Sa Mga Magulang!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Marami ang nagulat sa biglaang paghingi ng paumanhin ng tinaguriang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang matapos ang mahigit dalawang taon.

Matatandaang nag-ugat ang kanilang hindi pagkakaunawaan nang ituloy ni Sarah ang pagpapakasal sa kanyang nobyo noon na ngayo'y asawa na si Mateo Guidicelli.

Tanong tuloy ngayon ng mga mapanuring netizens ano ang motibo ni Sarah sa paghingi ng tawad at bakit ngaayon niya lamang ito ginawa.

May mga lumalabas ngayong bulong-bulongan na may kaugnayan sa bagong ipinalabas na single niya ang paghingi niya ng tawad sa kanyang mga magulang. Nito lamang October 29, ay inilabas ang music video ng kanyang kanta na Dati-dati at noong October 27 nirelease ang kanyang single na Coure.

Samantala, sa kasagsagan ng bagyong Paeng ay inilabas ni Sarah ang kanyang letter of apology para sa kanyang mga magulang. Unang naka-off ang comment section nito na ngayon ay burado na.

Gayunpaman, sa kabila ng haka-haka na humingi lamang ito ng paumanhin sa kanyang mga magulang upang tangkilikin ng publiko ang kanyang single, marami pa rin ang natuwa na sa wakas ay nagpakita na ito ng pag-asam na makikipag-ayos sa kanyang pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo