Richard Yap Nagrereklamo, Isang Telecom Provider Akala Tatakasan! Tawag Ng Tawag!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Naimbyerna ang Kapuso actor na si Richard Yap sa isang telecom provider na tawag ng tawag sa kanya dahil sa kanyang bayarin.

Maya't-maya umano itong tumatawag sa kanya dahil sa kanyang na nagkakahalaga ng P599 na bill. Ayon pa kay Richard hindi pa naman umano niya duedate kaya nakakainis ang pagtawag ng mga ito.

“Grabe tong @LiveSmart tawag ng tawag kahit di mo pa due date. Akala nila takasan natin sila ng 599 pesos when we’ve been subscribers for more than 10 years already,” tweet ng aktor nitong sabado, October 29, 2022.

Tila ipinunto din ng aktor na kapag bayarin ay mabilis ang mga telecom provider ngunit kung mahina ang signal ay hindi naman inaaksyunan kaagad ng mga ito.

Agad namang tumugon ang nasabing provider sa hinaing ni Richard Yap na ikinataas naman kilay ng mga netizens. Komento nila, kapag artista talaga tinutugon agad, ngunit kung ordinaryong mamamayan ay dinideadma ng mga ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo