Lolit Solis Sinabing Nakamamatay Ang Inggit! Never Nainggit!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis ang kanyang opinyon tungkol sa inggit. Ayon sa kanya nakakamatay ang pagiging inggit at never umano siyang naiinggit.

Sa latest Instagram post ng kolumnistang si Lolit Solis, sinabi niyang ang inggit ang pinakapangit na ugali ng tao. Maaari umano itong makapatay ng tao at maaring mawalan ng kaibigan.

Dagdag pa ni Lolit Solis na proud siya sa kaniyang sarili dahil kailanman ay hindi nakakaramdam ng inggit sa kanyang kapwa.

"Salve always remember, Envy can kill, and make you lose your friends. Inggit ang pinaka pangit sa lahat ng ugali ng isang tao. Ito ang nagiging dahilan para hindi ka umasenso Salve. Iyan siguro ang isang bagay na ipagmamalaki ko, never ako naka feel ng inggit. Pangarap o dream na marating ang maganda nilang kinalalagyan, pero never ako nakaramdam ng inggit sa kanila. Alam nila Douglas Quijano at Bibsy Carballo na itinuring ko na mga BFF na idol ko sila at never na kina inggitan. Isa pang ugali na hindi ko ginawa ang manulot o mang agaw ng talents. Never ako nagkaruon ng kontrata sa mga talents ko, honor system ang namamagitan sa amin, anytime you can go pag gusto mo. Never ako humawak ng talent na hindi ko mahal, dahil gusto ko meron akong emotional attachment sa kanila. I take a bullet for anyone I love, never akong nanlaglag ng tao. Madalas ngang sinasalo ko ang problema ng iba kaya kadalasan ako ang nalalagay sa alanganin. At kahit mapasama ako, never ko ituturo ang kasama ko para makalusot sa problema. At palagay ko iyon din ang reason kung bakit kahit ano ang kagagahan ko, tinatanggap parin ako at mahal ng mga kasama ko. Alam nila, they feel safe with me. Kahit madaldal ako never ko sasabihin ang isang sekreto pag alam ko na makakasama ito . Basta maligaya ako sa tagumpay ng iba, I will dream na sana maging ganuon din kapalaran ko pero never ako papasukin ng inggit. Ang inggit kasi, puwede na para maabot mo ang isang bagay gumawa ka ng paraan para maagaw ito sa may hawak, pero pag malinis ang konsensiya mo, gagawa ka lang ng paraan na maabot iyon sa sarili mong sikap at tiyaga. Envy can kill you, dahil unti unti nitong lalasunin ang utak mo, mag iisip ka ng masama, at ang ending ikaw din ang mabibigo. Killing you softly with your envy. Pathetic. Kaya Salve at Gorgy, never kayong ma inggit. Bad iyan. Huwag na huwag ninyo gagawin," caption ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post.

Matatandaang naging usap-usapan online ang mga patutsada ni Manay Lolit sa aktres na si Bea Alonzo. Kung saan iniisip ng ilang mga netizens na labis ang pagka-inggit nito sa tagumpay na tinatamasa ng aktres.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo