Darryl Yap May Pasabog Tungkol Kina Ninoy Aquino, Pete at Imelda Marcos Sa MoM Movie!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Malaki ang pasasalamat ng Direktor at writer ng pelikulang Martyr or Murderer na si Darryl Yap dahil sa pagtrending nito sa Twitter.

Ibinahagi ni Darryl Yap sa kanyang Facebook account ang screenshot ba nagpapakitang kabilang sa trending topics dito sa Pilipinas ang MoM movie. Kalakip nito ay ang caption ng pasasalamat ng direktor na sa kabila ng hindi pa tapos na script ay trending na ito.

Nagbigay rin ng update ang direktor at sinabing kompleto na ang cast ng nasabing pelikula. Ayon kay Direk Darryl hindi mawawala ang mga cast ng Maid in Malacanang na nauna ng ipinalabas sa takelya.

Iikot ang kwento ng pelikulang Martyr or Murderer kina dating Senador Ninoy Aquino, Dating Presidente Ferdinand Marcos Sr. at ng dating First Lady Imelda Marcos.

Sa isa pang Facebook post ibinulgar ni Direk Darryl na dating manliligaw ni Imelda Marcos sina Ninoy Aquino at kapatid ni Cory Aquino na si Pete Cojuangco. Ang pelikulang MoM ay ipapalabas sa susunod na taon.

Samantala, labis na inaabangan ngayon ng mga netizens kung sino ang gaganap sa papel ni Dating Senador Ninoy Aquino. Matatandaang unang ibinahagi ni Darryl Yap na ang gaganap sa naturang role ay naging ex ni Kris Aquino.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo