1 Araw Na Kita Sa Skin Care at Cosmetics Products ni Viy Cortez Ibibigay Sa Mga Nasalanta Ni Bagyong Paeng!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng vlogger-Youtuber at business woman na si Viy Cortez na ibibigay niya bilang tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng ang kita noong October 29 ng kanyang Skin Care at Cosmetics products. Bukod pa rito ang tulong mula sa sarili niyang bulsa.

“Lahat po ng kikitain ng VIYLine Skincare at VIYLine Cosmetics ngayong araw ay idodonate ko po sa mga nasalanta, bukod pa sa ibibigay ko galing sa sarili kong bulsa,” sabi ni Viy kalakip ang Shopee link kung saan maaring umorder ng kanilang paninda.

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ni Viy na naghahanap sila ng marerentahang truck upang magamit sa pan-re-rescue ng mga taong na trap sa San Pedro.

Panawagan ni Viy, “Sino po ang puwede ko marentahan na pick-up truck malapit po sa area nila Sir JayR. Para po maka-rescue po sila sa san pedro pls comment po.”

Samantala, sinabi ni Viy na magbibigay siya ng update kung magkano ang kanilang malilikom na pantulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo