Karla Estrada Nilinaw Ang Isyu Na Hiwalay Na Ang KathNiel!

Biyernes, Oktubre 28, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa isyung hiwalay na ang kanyang anak sa longtime girlfriend at loveteam nitong si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang Instagram account binigyan linaw ni Karla ang mga agam-agam ng mga netizen na hiwalay o di kaya ay may misunderstanding ang dalawa. Sinagot nito ng direkta ang tanong ng isang fan tungkol sa tunay na estado sa relasyon ng KathNiel.

Humingi ng enlightenment ang isang fan ng KathNeil kay Karla Estrada dahil sa viral na tiktok video hinggil sa naging sagot ni Daniel sa kung ano ang definition nito sa pagiging loyal.

"Tita karla please enlightened us na hindi totoo na break ang kathniel or my prob sila po... 😢 my naglalabasan po kasing mga comments sa tiktok dahil lamg sa pagsabi ni dj na si summer ang definition ng pinaka loyal niya," sabi ng isang fan.

Agad namang itong sinagot ni Karla at sinabing wala itong katotohanan.



Nag-ugat ang agam-agam ng mga fans ng KathNiel na hiwalay na ang dalawa dahil sa kumakalat ngayong video mula sa interview ng dalawa. Naitanong sa kanila kung ano ang definition ng loyalty.

Ayon kay Kathryn, "loyalty is being contented. Because if youre contented you won't look for anymore person."

Ayon naman kay DJ ang alam niyang pinakaloyal ay ang aso niyang si Summer. Ilang sandali ay dinagdagan niya ito ng, “Kahit anuman ang pinagdaraanan ko ngayon, kung anuman ang sitwasyon o emosyon ko sa ngayon,kung sino ako ngayon, tatanggapin niya nang buong-buo… iyon ang loyalty, Walang judgment…”

Tinapik-tapik naman ni Kath ang kamay ni Daniel at kitang-kita sa kanilang facial expression ang kakaibang emosyon.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo