Lolit Solis Nalulungkot Dahil Marami Ang Naiinggit Sa Kanya!

Biyernes, Oktubre 28, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ni Manay Lolit Solis sa kanyang Instagram account ang nararamdamang lungkot dahil sa mga isyung kinakasangkutan niya ngayon.

Matatandaang sinabi ni Shirley Kuan sa isang panayam na binubully at binabastos umano sila nito. Lalong lalo na ang kanyang alaga na si Bea Alonzo. Agad naman itong inalmahan ni Lolit Solis at pinagdidiinan na hindi siya bully at bastos.

Subalit, ayon sa ilang mga netizen kung hindi pambubully at pambabastos ang tawag ni Lolit Solis sa mga pinagsasabi niya laban kay Bea Alonzo at Shirley Kuan na manager nito, ano pala iyon?

Samantala, ayon kay Lolit Solis, ayaw niya ng mga nangyayari sa kanya kung saan tila marami ang galit sa kanya. Marami rin umano ang tila naiinggit ng palihim sa kanya. Malungkot din umano siya dahil sa edad niya ngayon ay may kinakaharap pa rin siyang isyu sa showbiz.

Bagama't nalulungkot masaya rin umano si Manay dahil nakikita rin niya na marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo