Ogie Diaz Nais Bayaran Ni Wilbert Tolentino Sa Kanilang Vlog!

Biyernes, Oktubre 28, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na inalok siya ni Wilbert Tolentino ng bayad noong nag-collab sila sa isang vlog.

Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan nila ng kanyang mga kasamahan na sina Mama Loi at Tita Jegz ang nangyaring bardagulan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino sa social media. Sa kanilang pag-uusap naisiwalat ni Ogie Diaz na maging siya ay inalok din ni Wilbert Tolentino ng bayad sa kanilang collab.

Aniya, "Ako mismo nung inofferan ako, sabi ko, ‘wag ako, ‘wag mo akong bayaran, pwede kang mag-donate na lamang sa Kasuso Foundation kasi hindi nga ako tumatanggap."

Ang ibinigay naman umanong donasyon ni Wilbert Tolentino ay ipinadirekta niya sa Kapuso Foundation. Kaya alam nitong wala siyang kinuha ni tinanggap.

Pagpapaliwanag pa ni Ogie Diaz, “So ‘yung kay mamshie, ‘yung sa akin pinadirekta ko talaga ‘yung tseke na nakapangalan sa Kasuso Foundation. Alam ni momshie ‘yan na wala akong tinanggap sa kaniya, diretso talaga doon. Kaya naman noong naantig si momshie, dinagdagan pa niya and nitong October binigyan pa niya ang mga pasyente. Nagbigay pa siya ng pa-raffle tsaka isa-isa nakapag-uwi o ng pamasahe. So ako talaga hindi ako tumanggap."

Samantala, nilinaw din ni Ogie Diaz na hindi lahat ng vlogger ay katulad niya at may iba-iba silang diskarte sa buhay. Iba-iba din umano ang kanilang technique sa panhahatak ng viewer at sa paggawa ng content.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo