Karen Davila Inaming Natatakot Siya Kay Korina Sanchez!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng dating ABS-CBN News Anchor na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram account ang teaser ng kanyang panayam sa dating kasamahan sa ABS-CBN na si Karen Davila. Ang panayam ay mapapanood sa kanyang show sa Net25 na Korina Interview bukas, October 30, 2022.

Naitanong ni Korina kay Karen kung bakit mula ng mag-over the bakod siya sa ibang network ay tila tinatapat at pinag-aaway sila ng mga netizens.

Ibinulgar din ni Karen na natatakot siya noon kay Korina Sanchez habang nasa iisang network pa sila kaya hindi umano niya ito kinaka-usap. Ibinahagi din ni Karen na sa loob ng 22 years ngayon lamang sila nagka-usap at nakasama sa isang panayam.

“Masyado kang nakakatakot noon,” pagbubunyag ni Karen. “So hindi kita nakakausap…” 

Halos maibuga ni Korina ang kanyang iniinom na kape dahil sa pahayag na ito ni Karen.

Dagdag pa ni Karen, “Nakakatakot po talaga siya noon, ‘wag i-deny! At ‘wag i-cut!”

Natatawa namang sagot ni Korina na hindi nila iyon icu-cut.

Naganap ang interview sa bahay mismo ni Karen Davela.

"AND…THIS HAPPENED 🙌🏼 After my 22 years in ABSCBN, the iconic Korina Sanchez and I sit down for a one on one interview for the FIRST TIME - and it was non stop laughter 😅

Thank you @korina @net25tv
 for having me! I treasure this experience and had such a wonderful afternoon with you! I had so much fun!!! Grateful! ALL IN GOD’s GOOD TIME," caption ni Karen sa teaser video ng interview ni Korina sa kanya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo