Bagong Hairstyle ni Annabelle Rama Inulan ng Komento mula sa mga Netizens!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


 Umaani ng samu't-saring papuri mula sa mga netizens ang bagong hairstyle ni Annabelle Rama.

Nakita ng mga netizens ang bagong haircolor ni Ms. Annabelle Rama sa kanyang ibinahaging Instagram video kung saan makikita siyang nag-unbox ng kanyang mga natanggap na regalo sa kanyang kaarawan.

Komento ng ilan na bagay na bagay rito ang kanyang hair color at nagmukha siyang bagetz rito. Nasanay kasi ang ilan sa maikling buhok nito na kulay itim kaya nakakapanibago ang pagpapakulay nito. 

Komento pa ng isa na halos hindi na niya makilala ang ina nina Ruffa Gutierrez dahil sa pagpapakulay nito ng buhok na bumagay naman sa kanya.

Magdidiwang sa kanyang ika-69 na kaarawan si Ms. Annabelle Rama sa darating na Lunes, October 31, 2022.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo