Bistado, Pagtawag Ni Mr Nawat Kay Hipon Galawang Angkol!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


Komento ng mga netizens sa pagtawag ni Mr. Nawat Itsaragrisil kay Herlene Budol, umaani ng samu't-saring komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Labis na nagulat ang mga tagahanga ni Herlene Nicole Budol nang ibahagi niya ang screenshot ng pagtawag ni Mr. Nawat sa kanya. Tumawag umano si Mr. Nawat sa kanya upang magbigay ng goodluck sa kanyang paparating na international pageant.

"Akala ko kung sino tumatawag at nag mamadali ako lumabas sa banyo kht basa ang buhok ko at walang kaayos ayos. Pero isang malaking karangalan po para sa akin tumawag si Angkol para e Goodluck ang Hipon Girl nyo sa darating na Patimpalak ko para sa Miss Planet International. Salamat po Angkol," caption ni Herlene sa screenshot ng video call nila ni Mr. Nawat.

Ngunit iba ang naging pananaw ng mga netizens hinggil sa pagtawag na ito ni Mr. Nawat sa kanila. May nagsasabing binubudol lamang nito si Herlene. Tila ginagamit lamang umano nito si Herlene upang humakot ng mga followers, matapos inun-follow ng mahigit 2 million ang Miss Grand International.

Matatandaang marami ang hindi nagustuhan ang panglalait ni Mr. Nawat sa kandita ng Vietnam na naging dahil kung bakit bumagsak ang followers ng MGI sa kanilang mga social media accounts.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo