Andrew Schimmer Muling Humihingi ng Tulong Para sa Kanyang Asawa! May Bagong Brain Swelling na Nakita sa MRI!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


Muling nagbigay ng update ang dating actor na si Andrew Schimmer hinggil sa kalagayan ng kanyang asawa na si Jorhomy 'Jho' Rovero.

Ayon kay Andrew, lumabas na ang resulta ng MRI test na isinagawa sa kanyang asawa. Base sa resulta ng MRI, may bagong swelling at bleeding na nangyayari sa brain ng kanyang asawa.

Ibinahagi rin ni Andrew na during MRI ay muling na cardiac arrest si Jho. Kaya naman labis ang pag-aalala ni Andrew at humihingi ng tulong upang ipagdasal ang kalagayan ng kanyang asawa.

Makikita din sa video na tila pinipigilan lamang ni Andrew ang kanyang emosyon at pilit na ipinapakita na matatag siya. Lalo na't nakikita niya na pilit rin lumalaban si Jorhomy sa kanyang karamdaman.

Nagpapasalamat din si Andrew sa lahat ng walang sawang tumulong at sumuporta sa kanilang pamilya mula noon nang unang isinugod sa hospital si Jho.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo