Teddy Corpuz Tinawag Na 'Pangit Kabonding' Ang Mga Taong Naglalabas Ng Ss Ng Mga Private Message!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


Naglabas ng opinyon ang isa sa mga It's Showtime hosts at vocals ng Rocksteddy Band na si Teddy Corppuz tungkol sa mga taong nagpapakita bilang best buddies ngunit kapag may hindi pagkakaunawaan ay maglalabas ng mga screen shots ng mga pribado ninyong usapan.

Sa isang tweet ni Teddy, sinabi niyang mga pangit kabonding ang mga ganitong uri ng tao.

“Pangit din pala ka bonding yung tropa mo na pag nagka galit kayo, ilalabas yung mga private convo messages nyo sa GC kahit matagal na di pa nya nabubura para nga naman may “resibo”. Pangit din pala yung ganun. 💔,” sabi ni Teddy.

Dagdag pa nito, “I’m sure malala din mga pinagsasasabi natin sa mga marites na gc natin dyan!”

Ayon pa kay Teddy hindi lahat ng alitan ay idadaan sa social media. Maari namang umano ang mga itong pag-usapan ng personal at ayusin privately.


Bagama't walang sinabi si Teddy kung sino ang kanyang pinapatungkulan sa kanyang mga tweet, hinuha ng lahat na si Wilbert Tolentino ang tinutukoy nito. Matatandaang nag-viral sa social media ang mga inilabas ni Wilbert Tolentino na mga screenshots ng mga private message nila ni Zeinab sa isa't-isa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo