Sarah Geronimo Humingi Ng Paumanhin Sa Kanyang Mga Magulang After 2 Years!

Sabado, Oktubre 29, 2022

/ by Lovely


Mainit na usapin ngayon sa mundo ng showbiz ang ginawang public apology ng singer na si Sarah Geronimo sa kanyang mga magulang matapos ang kanyang pagpapakal kay Mateo Guidicelli noong February 2020.

Hindi nagustuhan ng mga magulang ni Sarah ang kanyang ginawang pagpapakasal kay Mateo. Sinugod pa ni Mommy Divine ang kanilang kasal sa simbahan. Naitampok din sila sa programa ni Sen. Raffy Tulfo na Raffy Tulfo in Action.

Matapos ang dalawang taon, naglabas ng public apology si Sarah sa kanyang mga magulang sa kasagsagan ng Bagyong Paeng.

Hiniling ni Sarah na maging maayos ang lahat sa kabila ng paghagupit ni Bagyong Paeng. Pinasalamatan din ni Sarah ang Panginoon at ang kanyang pamilya na nagbigay sa kanya ng inspirasyon. Maging ang kanyang talent manager na si Vic Del Rosario ay pinasalamatan ng singer.

Pagkatapos nito, humingi siya ng tawad sa kanyang pamilya na nasaktan sa mga nagawa niyang mga desisyon sa buhay. Sinabi rin niya na nami-miss na niya ang kanyang mama at papa. Ipinahayag din niya kung gaano niya kamahal ang kanyang mga magulang.

Payo naman ni Sarah sa lahat na huwag sayangin ang pagkakataon na nakakasama pa ang mga mahal sa buhay.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo