Toni Fowler Motor Oil Ang Unang Ginamit Sa Kanyang Enhancement!

Linggo, Oktubre 30, 2022

/ by Lovely


Binalikan ng vlogger na si Toni Fowler ang kanyang unang karanasan sa butt enhancement.

Ayon kay Toni Fowler, pekeng doktor ang unang nalapitan niya na nagresulta ng pagkabulok sa parte ng kanyang pina-enhance. Para malunasan, naghanap si Toni ng tamang doktor na makakapagsagawa ng surgery.

Inamin ni Toni Fowler na lumapit siya sa isang pekeng doktor at doon nagpa-inject. Isang kaibigan umano ang nag-udyok sa kanyang puntahan ang nasabing doktor na mura lamang ang singil. Nagpa-inject naman umano siya at huli na niyang malaman na motor oil pala ang ininject sa kanya.

Dahil dito, nangitim ang parte na tinurukan. Agad naman umano nitong ipinakita sa kanyang doktor ang nangyari. Nabubulok na umano ang parteng iyon at kung hindi maagapan ay maaring mabulok ng buhay si Toni.

Pagbabahagi ni Toni, tinapyas ng doktor ang namamagang parte ng kanyang puwet. Kaya lalo siyang nawalan ng pag-asa dahil lalong nawala ang kanyang puwet at balakang. Sunod na nilapitan ni Toni ang isang professional cosmetic surgeon para muling sumailalim sa butt augmentation.

Nais ni Toni Fowler na palagyan ng silicon ang kanyang hinaharap ngunit inirekomenda umano ng kanyang doktor ang brazillian butt lift. Ang brazillian butt lift ay isang specialized fat transfer kung saan hindi na kailangan pang lagyan ng implants.

Nagpataba umano siya ng three months pagkatapos ang taba sa kanyang mga braso ang inilipat sa kanyang puwet at balakang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo