Manay Lolit Solis Nagalala Sa Kalagayan Ni Vhong Navarro Matapos Makulong!

Sabado, Setyembre 24, 2022

/ by Lovely


Naglabas ng opinyon hinggil sa pagkakakulong ngayon ni Vhong Navarro ang sikat na veteran showbiz columnist na si Manay Lolit Solis. 

Ayon kay Manay Lolit sa ipinalabas niyang pahayag gamit ang kanyang Instagram account, "Nakakaawa aside from nakakahinayang iyon nangyari kay Vhong Navarro, Salve. Isang malaking aral sa mga stars natin. Kailangan maingat sa mga desisyon. Single si Vhong ng maganap ang sinasabing insidente ni Denice. Pareho silang young and available, kaya puwede naman siguro sabihin na baka mutual ang feeling nila nuon sa isa't isa. For whatever reason sana hindi humantong sa ganitong pangyayari ang lahat. Sana naging maayos at maganda ang naging pag uusap. Ang laking bagay ang mawawala kay Vhong Navarro. Nasa itaas ang kanyang career sa kasalukuyan, masaya ang kanyang private life, pero heto nga, nangyari ang hindi inaasahan. Sayang dahil kahit ano pa sabihin mas malaki ang mawawala kay Vhong. Kung anuman ang relasyon o nagawa niya nuon , ibang Vhong Navarro na ngayon . Masaya na ang buhay niya sa sariling pamilya. At kung kelan tahimik saka dumating ang ingay na ito. Kahit ano pa ang mangyari, sana naman maayos ito. Kawawa naman ang pamilya ni Vhong na umaasa sa kanya, siya ang sandalan ng kanyang pamilya. Sana naisip din ng marami kung ano na ngayon ang mangyayari sa pamilya ni Vhong. At sana din maayos ang lahat, sabi nga, lahat deserves a second chance in life, at isa si Vhong Navarro sa dapat bigyan nito. Wishing you the best sa laban mo sa buhay Vhong. Sana maayos mo ito."



Labis na naawa ngayon si Manay Lolit Solis sa pamilya ni Vhong Navarro na umaasa sa kanya. Ipinunto din ni Manay na everybody deserves a second chance at isa si Vhong sa nararapat na mabigyan nito. Ipinapanalangin din niya ang pagkakalaya ng aktor-TV host.

( Hide )
  1. hindi na kc maganda si deniece cornejo at tumanda lalo kadahilanan dahil sa masamang ginawa na ikulong si vhong navarro. napakalinaw na gustong pabagsakin si vhong navarro kc napakasikat na ng artista tv host kayat si deniece cornejo. naghahabol na ikulong si idol na si vhong navarro. napakalinaw na ipinaliwanag ang kanyang abogado ni vhong navarro na inamin ni deniece cornejo na napakalinaw na walang nangyaring rape don sa hotel. bigsabihin non nakaplano na gustong saktan nila si vhong navarro at pabagsakit sa kasikatan ni vhong navarro sa pagka artista at tv host sa abs-cbn. kaya si deniece cornejo na gustong sumama sa hotel para don na sila saktan at bogbogin at pabagsakin si vhong nabarro pero hindi nagwagi at natalo sa kaso si deniece cornejo noon at si idol vhong navarro ang nagwagi na nanalo sa kasong pinataw nila noon. kayat si deniece cornejo maslalong pumangit sa kanyan kagandahan at tumandana lalo kc hindi na sya sikat para sa mga tao. vhong navarro parin kami sa katutuhanan. pinagplanohan lang si deniece cornejo na gustong saktan pabagsakit at bogbogin nila si vhong navarro kayat sumama sa hotel si deneice cornejo napakalinaw sa nangyari kc mayron CCTV don sa mismong hotel. na kitang kita na pinagplanuhan nila ito kc maraming kasama pala si deniece cornejo don sa hotel at inabngan don at don na pinag-bobogbog sinaktan at pinagtulongan at masakit pa ditto tinalian pa nila si vhong navarro sa mismong hotel.

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo