Sen. Bato Dela Rosa pinabulaanan ang mga paratang ni Gretchen Barretto!

Miyerkules, Marso 30, 2022

/ by Lovely



Mariing itinanggi ni Sen. Ronald 'Bato' Dela Rosa ang mga akusasyon laban sa kanya ni Gretchen Barretto tungkol sa pagiimbestiga niya sa online sabong. Matatandaan na inakusahan ni Gretchen si Sen. Bato ng paglalaro ng sabong at may mamahalin umanong relo na suot ang senador.

Noong nakaraan ay sinabi ni Greta na tumatalpak rin daw umao si Sen. Bato. Nabanggit niya na ilalabas sin niya ang baho ng senador at ang mga talpak nito sa sabong. Dagdag pa nito na may balance pa raw umano si Sen. Bato sa pagtatalpak. Napansin naman ni Greta ang mamahaling relo ng senador at sinabing paano umano nakabili ng ganoong relo ang senador.

Samantala ayon kay Sen. Bato na nagsilbi bilang pulis sa loob ng tatlong dekada ay hindi umano siya naglaro ng sabong sa buong buhay niya.

"I never, have played sabong in my entire life. Not even once."

Ipinaliwanag din nito na nagkakahalaga lamang PHP. 85,000 ang kanyang relo.

"Regarding my watch, pagbigyan mo naman akong bumili ng 85,000 worth na tag heuer na relo as a gift for my self for serving the country and Filipino people."



Kung titingnan ang Statement of Assets Liabilities and Network or SALN ni Sen. Bato Dela Rosa ay kayang kaya nitong bumili ng relo na aabot sa milyon ang halaga ngunit hindi ito ginawa ng senador. Aabot din ng million ang retirement benifits ni Dela Rosa kaya hindi na nakakapagtaka kung namumuhay man ito ng marangya.

Si Dela Rosa ay kasalukuyang nag-iimbestiga tungkol sa mga nawawalang sabongero at iba pang mga problema na naidulot ng online sabong sa bansa.



Matatandaan na nagviral ang video noon ni Gretchen Barretto na pumunta sa isang sabong arena. Kasosyo din sa negosyo ni Atong Ang si Gretchen, ang negosyo ng online sabong at kumikita ng malaki buwan buwan dahil rito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo