Itinanggi ni Willie Revillame ang balitang nagsisisi umano siya sa hindi pagrenew ng kontarata sa GMA7!

Miyerkules, Marso 30, 2022

/ by Lovely



Ikinagulat ng lahat ang pag alis ng isang sikat na host sa isang network na naging tahanan din niya sa loob ng maraming taon. Si Willie Revillame ay dating nasa ABSCBN ngunit lumipat din dahil sa ilang mga isyu. 

Nitong mga nagdaang mga araw, may mga haka haka na nagsisisi umano ang dating kapuso host na si Willie Revillame sa pag-alis niya sa GMA7 upang lumipat sa AMBS na pagmamay-ari ng business tycoon na si Manny Villar. Subalit tila hindi na nakapagtimpi ang TV host at umalma na saisyung ito. Mariing itinanggi ni Willie Revillame na nagsisisi siya sa pag-alis sa kapuso channel upang lumipat sa ibang network.

Ito ay  may kinalaman sa isang ulat na lumabas mula sa isang news websites na bilyonaryo.com. Ayon sa nasabing article, pinagsisihan umano ni Willie Revillame na tinalikuran niya ang Kapuso network kung saan umere ang kanyang Wowowin show. Naiinip na umano si Willie Revillame sa pagkaantala ng pagsisimula ng AMBS dahil sa problemang teknikal. Dagdag pa dito, hirap umano ang AMBS na makabuo ng daily programming dahil wala pa raw itong mga talents. Gayundin, wala pa ring radio transmitter ang nasabing estasyon.



Sa pamamagitan ng kanyang show na Wowowin Tutok para Manalo na napapanood ngayon sa youtube at Facebook nilinaw ng host na si Willie Revillame na wala itong katotohanan.

"Hindi ko na papatulan ang mga negative. Kung nakakabasa kayo ng fake news, huwag na lang pansinin 'yan, naku, mahirap na lang magsalita.  Hindi ako naaapektuhan diyan, whatever you say, alam namin kung ano ang totoo, ang programang ito ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga kababayan. Saka huwag niyo ako isulat sa bilyonaryo, hindi ako bilyonaryo, hindi ako business man na bilyonaryo, simple lang po ako, masinop lamang ako sa buhay. Last week may lumalaba sa dyarno, sa mga bilyonaryo news diyan. Dapat reliable ang source niyo, kasi napi-fake news kayo. Sayang lang yung news niyo, sulat niyo ako nang isulat, kahit anung sabihin niyo sa akin, masama, walanghiya, wala sa akin 'yan. Basta alam ng Diyos, alam ng aking mga nakakasama kung ano ang pagkatao ko at kung ano ang totoo diba yun iyong importante?"



Isa sa mga personalidad na nagtanggol kay Willie Revillame ay ang showbiz columnist na si Cristy Fermin. Ayon kay Cristy Fermin naka-usap niya diumano si Willie Revillame tungkol sa kumakalat na balita. Napaka busy na din daw ni Willie ngayon sa Youtube at Facebook tinuloy daw nito ang kanyang pangako na tuloy tuloy ang pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan. Pinag-iisaipan daw ni Willie ang hindi  nito pagpirma nang bagong kontrata sa GMA7. Dagdag pa ni Crity Fermin sinabi umano sa kanya ni Willie na malaki ang pasasalamat niya sa GMA7 ngunit ang pagbalik rito wala sa kanyang isip. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo