Lolit Solis hindi pa rin tinantanan si Bea Alonzo! May bago na namang hirit sa kanyang IG post!

Miyerkules, Marso 30, 2022

/ by Lovely



Lolit Solis trigger na trigger at hindi pa rin makamove on kay Bea Alonzo dahil sa kanyang kamakailang Instagram post, ibinahagi niya ang snap ng isang workshop para sa Start Up na kung saan pinagbibidahan ito nina Bea Alonzo at Alden Richards. Narito ang caption ni Lolit Solis sa kanyang Instagram post,

Nakita ko sa TV iyon storycon ng Start Up, Salve. Ang ganda nga ni Bea Alonzo , at pogi ni Alden Richard. Pero ewan ko ba, parang mas bata parin tignan si Yasmien Kurdi na may asawa at anak na, at ng dumating si Gina Alajar parang pumasok sa isip ko bagay silang magkaliga ni Bea Alonzo. Iyon bang parang senior star narin ang tingin ko kay Bea dahil sa press release na multi awarded at box office queen daw, parang ang senior na ng dating sa paningin ko hah hah hah. Puwede na ngang Tita ni Alden dahil talaga naman ang yummy nito at mukhang batang bata. Kaya naisip ko talagang baka nga iba na ang charisma ni Bea, pang senior na talaga, wala na iyon sensuality na pang bagets, ibang level na. Ok lang naman di ba, at least big star parin siya. Bongga parin 👍 #classiclolita

 

Sa pahayag na ito ni Lolit Solis tila pinapahiwatig niya na matanda na si Bea para sa kanyang role at hindi bagay  na ipinares ito kay Alden Richards. Ilang ulit din niyang sinabi na pangsenior na si Bea at magkaliga na umano ito at si Gina Alajar.

Samatala nanatiling naka off pa rin ang comment section ng post ni Lolit Solis sa Instagram. Nagsimula ang pag-iinit ni Manay Lolit Solis kay Bea Alonzo ng hindi niya matanggap na tila mas malakas ang 'powers' ni Bea Alonzo sa kanya. Ito ay matapos ipatanggal umano siya ni Bea bilang isang guest sa launching nito ng Beautederm.



Maraming beses na rin ang mga hanash ni Lolit Solis kay Bea Alonzo maging ang pangalan ni Ai Ai Delas Alas ay ginamit nito, ngayon ay si Gina Alajar naman ang kanyang ikinumpara sa nasabing actress. Mukhang matindi talaga ang galit ni Lolit Solis kay Bea Alonzo.

Sa kabilang banda wala namang pahayag si Bea tungkol sa mga pasaring sa kanya ni Lolit Solis.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo