Ogie Diaz at mga kasamahan sa vlog humingi ng sorry kay Carla Abellana

Martes, Marso 22, 2022

/ by Lovely

Matapos lumabas ang unang pahayag ng kapamilya host na ito kaugnay sa isang kapuso star ay muli siyang naglabas ng pahayag upang itama ang nauna niyang komento. Sa unang pahayag sa kanyang vlog sa YT channel sinabi ni Ogie Diaz  na ang condo sa The Grove na pagmamay-ari ng kapuso actress Carla Abellana ay ibinibenta sa mababang halaga sa presyong 2 million pesos.

Nakarating ito sa kapuso actress kaya naman nagpost ito sa kanyang social media account na mali umano ang impormasyong lumabas kaugnay sa condo na nabanggit. Agad naman na nilinaw ng aktres sa kanyang instagram story na mali ang pahayag ni Ogie Diaz at nilinaw na ang 2 million na sinasabi ay ang kabuuang bawas o slash amount mula sa original price nito. Sa kanyang social media post ay sinabi ni Carla Abellana,

Some press articles including Si Ogie Diaz videos are false. They state only two million pesos which is not true.



Umani naman ng pambabash ang talent manager na si Ogie Diaz at ang mga kasama niya sa vlog dahil hindi umano ito nagfact check sa mga sinasabing mga balita. Sa isang video ni Ogie Diaz sinabi na,

"Nabash tayo dahil mali daw. Pinafact check tayo doon sa condo ni Carla Abellana. Mali daw ang ating impormasyon na sa 2 million niya ibinibenta."

Agad naman itong humingi ng tawad kay Carla Abellana sa maling nasabi niya. Ayon kay Ogie Diaz, 

"Pasensya na nagkamali lang kami. Alam naman namin ang slash pasensya na tao lang."

 

Tinanong niya si Mama Loi kung magkano nga ba binibenta ni Carla Abellana ang condo unit. Ang tanging nasabi lamang nito ang market value na 14 million pesos. Hindi pa rin kasi sinasabi ng Kapuso actress kung magkano nga ba ang totoong halaga ng condo. Ayon sa dagdag na pahayag, 

"Normaly hindi naman talaga inaanounce 'yan sinabi na rin niya na slash ng 2 million. Ibig sabihin babawasan ng 2 million."

Sinabi rin ni Ogie Diaz na maraming mga netizens ang na curios matapos nilang magkamali sa pagbibigay ng presyo. Hiling naman ni Mama Loi na sana'y mabili agad ang condong ibinibenta ni Carla Abellana.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo